Wednesday, November 26, 2008
komento at reaksyon
Ikinagagalak ko ang paglabas ng ating website.
Napakahalagang kontribusyon ito sa ating mga ka nayon , san man sulok ng mundo.
Hindi lamang sa mga naisusulat dito o sa mga larawan.. kundi ito rin ang paraan upang mag ka buklod- buklod at magkakilala ang ating mga ka nayon.
Gusto kung batiin si Delfin at ang aking Kuya Ding... hindi kayang bayaran ng pera ang inyong pag tityaga, malasakit, at oras na binubuno ninyo sa pag likha ng ating website. ( ang lalim kasi ng tagalog e. )
Sa ating mga ka nayon ... babae man o lalaki.... may pera o wala... ulile man o matalino .... kayo ang bida !!!!
delfin .. kuya Ding
joyunas@yahoo.com . . . . . anak ng BALSAHAN
Wednesday, November 19, 2008
ganito kami noon (alaala ng kamusmusan)
Saturday, November 15, 2008
taga-balsahan ako (pinakamataas na posisyon na naabot ng isang taga-balsahan)
Friday, November 7, 2008
karagdagang pahina : TAGA-BALSAHAN AKO
paboritong tugtugin, awitin at mang-aawit
Wednesday, November 5, 2008
komento at reaksyon
minarapat naming ilathala ang inyong mga pasabi at kami ay natutuwa sa inyong patuloy na pagtugay-gay sa ating sutlanglugar. harinawa ay hindi ito ang huli nating pag-niig ngunit simula ng isang masayang pagsasama . maging kaiga-igaya at maganda nawa ang ating sinimulan. maging magkatarato sana tayo sa anumang magagandang layunin para sa ating lahat lalung-lalu na sa ating nayon ng balsahan. patnubayan tayong lahat ng Panginoon.
KOMENTO AT REAKSYON :
MULA KAY GIL PILPIL...
Kuya Ding,
"Ako ay namangha sa mga matalinhaga mong pananalita. Alalaong baga, nanariwa sa aking isipan ang panahon na iyon na kung tawagin ako ay golti (itlog) dahil sa aking luslos (hernia). Buwisit na Joji Pelina at Pepe Ramirez na yan, walang ginawa kundi tuksuhin ako, he, he, he. Nawa ay matuloy ang mga planong ito at maabot ang layuning mapagisa tayo kahit man lamang sa kuryenteng liham (gusto ko yon a!). Sumainyo nawa ang ating Panginoong Hesus."
Gil
MULA KAY BANNY RONQUILLO...
Hi Ding:
"Ang lalim naman ng mga tagalog mo pero ok ah. Akala ko pangit na ang pangalan kong Bonifacio pero yun pala ay meron pa palang mas pangit pakinggan tulad ng sa yo. He he he joke joke joke only. Si Banny ito immigrant ng Balsahan dahil sa asawa kong si Myrna at secretarya pa niya. Ok ung idea ninyo kaya more power to both of you. Nandito ako ngayon sa Pinas enjoying myself. Hope to see you soon. "
Banny
MULA KAY GERRY TOLENTINO...
"Excellent job! Very touching music! We are proud of you Pare!
Regards and have a nice day! Gerry and Evelyn Tolentino"
MULA KAY MYRNA ALZAGA...
"Good morning, Ding! Thanks again! I am making sure I respond now-
"kudos"
to both of you. Great job! This is the beginning of a continuing bond,
celebration of heritage and culture of all of us from Balsahan. Keep up the
good work!
Have a great day!"
Myrna P. Alzaga,ChE
Director, Program Support Division
Environmental Management Department/S-7
MCAS Miramar
PO Box 452001
San Diego, Ca. 92145
Telephone: (858) 577-6115
FAX: (858) 577-4200
E-mail: Myrna.Alzaga@usmc.mil
MULA KAY BOYET LOPEZ...
jake/delfin,
"attached are pictures which you may want to put on the balsahan
website. kudos to both of you. you guys are doing a good job."
MULA KAY JOJIE PELINA ...
"GOOD JOB PARE AND TO DELPIN, THIS IS GREAT, GOOD LUCK. . ."
Saturday, November 1, 2008
how GLOBAL-sahan started
kalatas (message)
Isang masayang pagbati sa inyong lahat! Ako po sa Ding Reyes na lalong kilala sa Balsahan na "ding period". Hindi na ako mag papaligoy-ligoy at tatalakayin ko na ang punto ng aking mensahe sa inyong lahat. Ako po at si Delfin Gutierrez ay gumawa sutlanglugar ( web-logsite) para sa nayon ng Balsahan. Ang layunin ay upang magkalapit-lapit ang pinaglayong pagsasama natin na may mga pansariling kadahilanan. Sa pamamagitan po ng sutlanglugar na ito ay ating masasariwa ang mga nakalipas ng tunay na Balsahan. Dito po ay atin ding matutunghayan ang pang-kasalukuyan nangyayari sa paligid ng Balsahan. Sa mga planong pang-nayon ay makakasali tayo sa usapan kung tayo ay sang-ayon o hindi sa anumang balakin pang-kasayahan, proyekto o paghahanda sa anumang kalamidad na hindi natin inaasahan.
Ang amin lamang pong hinihiling ay ang partisipasyon ng mga taga-balsahan na tangkilikin ang sutlanglugar nating ito. Dito ay makapag-lalagay kayo ng anumang kumento ng hindi makakasakit sa damdamin ng nakararami o pinag-uukulan ng kumento. Mga kumentong itama ang maling pangalan, lugar, pangyayari o larawan na ilalagay namin ni Delfin. Maari din kayo magpadala ng mga lumang larawan (kung maari ay iyong mga black & white na larawan noong araw sa Balsahan) ng inyong pamilya sa kuryenteng liham(e-mail) ko (balsahan2002@yahoo.com) o sa kuryenteng liham ni Delfin (dmgtxrd4z@yahoo.com ) at kami na ang bahalang humango (upload) sa ating sutlang lugar. Mangyari lamang na limitahan muna natin ang mga larawan ipapadala ninyo sa kadahilanang ang oras ng paglalagay sa lugar ay baka hindi namin makayanan mailagay ng sabay-sabay, kaya limitahan muna nating sa mga 5-6 na larawang luma ng may temang balsahan ang paligid at mga tauhan dito. Samahan na din ng pamagat at paliwanag kung ano ito at kung sino-sino ang nasa larawan.
Matutunghayan din natin ang aking "PAGBABALIK-TANAW SA NAYON NG BALSAHAN" na sasalihan ng bawat isa sa atin, sapagkat ang pagbabalik-tanaw na ito ay mga katanungan ang TAAL na taga BALSAHAN lamang ang may kasagutan. Ngayon pa lamang ay simulan na ninyo ang paghahanap ng mga lumang larawan at ibahagi ito sa ating sutlanglugar. Kapag nagpadala na kayo ng inyong impormasyon ay ibahagi ninyo ang maigsing talambuhay (autobiography) ng orihinal o kasalukuyang pamilya ninyo. Pipilitin namin ni Delfin mailagay ang talambuhay ninyo kundi man agaran (asap) ay sa mga susunod na araw. Ang puntiryang panahon (target date) para mailabas o mapalutang (float) sa umandar na linya (online) ay mga unang bahagi ng Nobyembre ng taong kasalukuyan. Sa kadahilanang ang iba sa atin ay nasa halos iba't-ibang parte ng mundo, ang sutlanglugar na ito ay binansagan ko ng GLOBAL at dinugtungan at ginawa ni Delfin ng GLOBAL-SAHAN. Ang kabuuang pangalan ng sutlanglugar ay malalaman ng lahat sa lalong madaling panahon kapag nakalikom na kami ng sapat na impormasyon mula sa inyong lahat. Maraming salamat po at nawa'y pagpalain tayo ng Panginoon. Mabuhay ang Balsahan, tayo ay magkaisa.
Ako po si DING!!
PERIOD·de·CAL(alifornia)
"dito ay pwede ninyong ipadala sa amin ni delfin sa pamamagitan ng pag-email kung ano man ang inyong nais na ipasabi o ipaalam bukod sa mga komento at puna. pwede ninyong sabihin dito ang mga gawain (activities), talaan ng mga gawain (schedule) sa mga susunod na araw na gusto ninyong iparating sa iba pang mga kanayon natin. pwede din po na ipabalita ang mga pangyayari (events) at ibang balita (news) sa balsahan man o saan mang lugar sa buong mundo kung saan may taga-balsahan, ito po ay ating ilalathala sa pitak na ito . . ."
pagbabalik-tanaw sa nayon ng balsahan
Paalala lamang para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, ang pagbabalik-tanaw na ito ay upang maalala natin ang nakalipas na panahon ng tunay at taal na taga balsahan sa pamamagitan ng papaano sila nakilala at binansagan ng pangalan sa sarili o lugar sa balsahan. Ano man o sino man ang mabanggit sa balik-tanaw na ito ay minarapat ko muna na ihingi ng paumanhin sa mga kaanak nito. Atin pong tandaan na ito'y upang ibalik ang ating masayang nakaraan at sama-sama nating ibalik sa ating alaala ang katayuan, kalagayan ng mga taong hindi natin malilimutan. Ang tema po ng pagbabalik-tanaw na ito ay kasali lahat tayo na taga balsahan. Babanggit po ako ng pangalan, ugali o lugar at sino man ang nakakaalam ng tamang kasagutan ay mangyari po lamang ibahagi ninyo ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. I-click sa may bandang ibaba na may nakasulat na KOMENTARYO(Post a Comment) para sa inyong kasagutan o komento.
2. I-type ang sagot sa malaking box na may nakasulat na"LEAVE YOUR COMMENT".
3. I-click naman ang bilog sa bandang ibaba na nakasulat ay" Name/URL .
4. I-type ang pangalan sa kahon ng NAME kung ano ang inyong palayaw o pangalan para sa kaalaman ng lahat.
5. I-click ang "PUBLISH YOUR COMMENT " para lumabas ang inyong isinulat.
Ilan lamang mga katanungan ang ibabahagi ko sa inyo sa araw araw o linguhan nating pagsasama sa site na ito.
ganito kami noon . . . eto kami ngayon, hindi kayo malilimutan
Mabuhay at kamusta kayong lahat? Ang kabuuang pahina ng ating sutlanglugar at binubuo ng tatlong pahina sa kasalukuyan, GLOBAL-sahan unang pahina, PERIOD-de-CAL(ifornia) pangalawang pahina at PAGBABALIK-TANAW pangatlong pahina. Minarapat namin ni Delfin gawin itong lima hanggang anim na pahina upang sa ganoon ay masiyahan tayong lahat sa mga pangyayaring nakalipas na at mga pangyayari sa kasalukuyan. Subalit ang lahat po na pagdaragdag ng bawat pahina ay hindi po namin magagawa ni Delfin kung wala ang suporta ninyong lahat sa pamamagitan ng pag-papadala ng mga ala-ala ng nakalipas na kayo lamang ang nakakaalam. Ang mga pahinang idaragdag namin ni Delfin ay ang mga sumusunod:
GANITO KAMI NOON: Ang tema po nito ay mga pang-yayari na natatandaan ninyo ng panahon kayo ay nasa Balsahan. Mga larawang magkakasama ang tropa, paglalaro ng softball, basketball. Pagkakabit ng bandera tuwing fiesta (sino ang may hawak ng pagkit at sino ang nagkakabit ng bandera habang nagliligawan?), sino ang nagluluto ng pospas at sino pinakamalakas kumain, ang mga experiensya sa baha, ang picnic sa garden, mga pangyayari sa sakatihan at grandstand. Marami tayong mga nakaraan na masarap gunitain at ibahagi sa ating mga kanayon na matagal ng hindi napapabalik sa ating Balsahan? Sana po ay suportahan ninyo ang ating sutlanglugar sa pamamagitan ng pagbabasa at mga paglalagay ng kumento ng naaayon at hindi makakasakit sa ating mga kanayon.
ETO KAMI NGAYON: Ito po ay mga pangyayari ng bagong henerasyon na sabihin nating mag sampung (10) taon na nakakalipas. Mga taga-Balsahan na hindi inabutan ang kasikatan ng Balsahan sa softball at basketball, mga taga balsahan na lumipat at naging taga-balsahan, mga kabataang nag-patuloy ng nakalipas na henerasyon ng tunay na mga taga-balsahan. Kailangan namin ang suporta ninyo sa pamamagitan ng mga larawan na magkakasama kayo sa Balsahan, mga kuwento ng inyong henerasyon at ng makilala namin kayo na ikaw pala ay taga balsahan?Ang TXRD ay masasabi ko na bagong henerasyon samahan at marapat lamang na maibahagi ninyo sa pahinang ito ang samahang nagpaligaya o kasalukuyang nag papaligaya sa inyo.
HINDI KAYO MALILIMUTAN: Ang tema po ng pahinang ito ay huwag natin kalimutan ang mga taong naging bahagi ng ating buhay, mga taong nagpasaya, umaruga, nagmahal, kaibigan at minahal natin ng lubusan. Ang mga taong na sa kapayapaan at kasama ng ating mahal na Panginoon sa kabilang buhay. Sa inyong kapahintulutan ay ilalagay namin ni Defin sa pahinang ito ang mga PANGALAN,PALAYAW, KAPANGANAKAN, ARAW NG SUMAKABILANG BUHAY AT EDAD. Hindi po namin ito mailalathala kung wala kayong kapahintulutan. Mangyari po lamang na ipadala sa aking E-mail address balsahan2002@yahoo.com ang lahat ng inyong suporta at pahintulot sa mga nabanggit na idaragdag na pahina sa ating sutlanglugar.
MARAMING SALAMAT PO
SI DING PA RIN PO